^

Virginity, isinuko sa 4th boyfriend

() - November 11, 2003 - 12:00am
Si Anne Borromeo, 18, ay kabilang sa dumaraming talent ng manager na si Bing Tongco. Siya’y tubong Cebu City. Nung September 2002 lang dumating sa Manila ang dalaga. Unang napansin sa commercial modeling. Kabilang sa nai-endorse niyang produkto ay Close-Up at Smart.

Na-introduce na si Anne sa Mapupulang Labi. Pero ang Sex Scandal ang pinaka-launching movie niya.

Si Anne ay tapos ng high school sa San Carlos Girls High. Hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa kahirapan ng pamilya. Mas pinili pa niyang mag-modelo ng mga signature dress sa Cebu City.

Aminado ang Cebuana na maaga siyang bumigay sa tawag ng pag-ibig. Naisuko niya ang kanyang pagkababae sa lalaking kanyang minamahal.

Aniya: "Na-in love ako sa ikaapat kong boyfriend kaya ibinigay ko sa kanya ang lahat-lahat. Sa kanya ko kasi nakita ang lahat ng hinahanap ko sa lalaki. Cute siya. Moreno. At may height na 6’1".

"Hindi nagtagal ang relasyon namin. Ayaw niya akong pumunta ng Manila. Kaya nagkahiwalay kami.

"Mas pinili ko ang career ko sa showbiz kaysa sa kanya. Ambition ko nang mag-artista nung ako’y bata pa lang."

Sa Sex Scandal, asawa siya ni JP Obligacion. Okay ang pagsasama nila pero nasira ito nang ma-involve siya sa isang video scandal na napanood ng kanyang asawa. Partner niya sa sex video si Allen Dizon. Verbal abuse ang ginawang pananakit sa kanya ni JP na naging dahilan ng hiwalayan.

Sa set ng movie ay inamin ni Anne na na-in love siya kay JP. Gentleman ang actor at malambing.
ALLEN DIZON ANNE BORROMEO BING TONGCO CEBU CITY MAPUPULANG LABI NUNG SEPTEMBER SAN CARLOS GIRLS HIGH SEX SCANDAL SI ANNE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with