^

PSN Showbiz

Si Arnold Clavio ang ama ng anak ni Sarah B ?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Hot item ngayon si Arnold Clavio. Bukod kasi sa nagri-rate ang programa niyang Emergency and Unang Hirit, pinag-uusapan siya dahil kay Sarah Balabagan. Actually, matagal na itong issue sa showbiz - na umano’y si Arnold ang broadcast journalist na ama ng anak ni Sarah na kailan lang ay inulit ni Sarah sa kanyang interview dahil nga mag-aasawa na ang dating OFW na pinag-usapan dahil sa death sentence sa kanya sa Saudi.

Kahit saang umpukan ngayon sa showbiz, si Arnold ang pinag-uusapan. "Grabe rin si Arnold ‘no," comment ng isang showbiz observer nang marinig niya sa isang kuwentuhan ang tungkol dito. "Actually, matagal nang issue ‘yan kaya lang parang walang gustong maniwala noon. Eh ngayon, si Sarah na ang nagsasabi," sabi ng isang matagal nang may alam sa nangyari sa dalawa.

Kung matatandaan, isa si Arnold sa tumulong kay Sarah para maayos ang kaso niya sa Saudi.
* * *
Mas malakas ang impact ngayon ng Insider anchored by Karen Davila and Cito Beltran sa ABS-CBN 2 kumpara sa dating Headlines. Iba kasi ang format ng Insider, investigative reporting ng mga latest stories. "Hindi lang ito ordinary reporting, ‘yung mga issue na hindi nila napapanood, ipi-present namin dito," sabi ni Karen in an interview.

Nang i-launch nila ang Insider, nagkataon na kainitan ng mutiny sa Makati kaya marami silang investigative report na nai-present sa viewers.

"Kami mismo ang kumukuha ng story na behind the news. Hindi siya ‘yung usual coverage na iri-report mo ang mga nangyayari. Talagang naghahanap kami no’ng hindi pa alam ng tao na kailangan nilang malaman," dagdag ni Karen.

Lumalabas mismo si Karen para kumuha ng mga story. Kaya nga admitted siya na mas matrabaho ang Insider kesa sa dating Headlines. "Hindi lang kami basta newsreader dito.

"Ito ‘yung news program na busog ka sa balita."

Hindi naman nahirapang mag-adjust si Karen sa bago niyang partner na si Cito Beltran. Pareho kasi silang born again Christian at prior to Insider, magkaibigan na sila. "Kilala ko na siya before pa," Karen said.

Kaya nga wala na halos oras si Karen sa kanyang anak na almost two years old pero pinipilit niyang gawan ng paraan para magkaroon siya ng time sa asawa’t anak niya.

Almost three months ding pinag-isipan ang programang ito bago nila sinimulan. Naghanap muna sila ng bagong formula na hinahanap ng viewers. Hanggang maisip nga nilang gawin ang Insider na ngayon nga ay unti-unti nang tumataas ang rating.

Hindi sila afraid na maubusan ng story dahil naniniwala sila na everyday may bagong kuwento na puwede nilang gawan ng investigative report na sa programa lang nila mapapanood.

Isa si Karen sa broadcast journalist na puwedeng sumunod sa yapak ni Loren Legarda. Magaling kasi siyang magsalita and very convincing. "Wala sa plano ko ‘yun." Besides hindi pa raw siya puwede dahil may age qualification sa senado. Kaklase niya si Kris Aquino, meaning 32 years old lang siya.

Ang ABS-CBN Insider ay napapanood weeknight at 11:00 p.m.
* * *
Malayo na nga ang narating ni Anna Fegi since her Smokey Mountain days. Ngayon, may second solo album na siya under BMG Philippines, "Straight Ahead." Actually, bagay sa nangyayari sa career niya ang title ng nasabing album dahil nasa tamang direction ang career niya. Meron na siyang hit song na mako-consider na kanyang-kanya, "Saan Ka Na Ngayon."

Meron din siyang regular exposure sa ASAP Mania na naging way para mas maraming maka-recognize sa kanyang boses. Samantalang, kung tutuusin eh pasali-sali lang siya noon sa mga local singing contest sa Cebu.

Anyway, kung mostly English song ang kasama sa kanyang first album, "Every Step of the Way" like "Anyone Can See" and "You and I," sa "Straight Ahead," majority ng kanta sa album ay Tagalog with only two English songs.

Ang kanyang "Saan Ka Na Ngayon" na carrier single ay most requested song sa AM and FM radio.

"Straight Ahead" is generally a soulful album na siguradong maa-appreciate ng masa.

Available na ito sa lahat ng record bars nationwide.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

ANNA FEGI

ANYONE CAN SEE

CITO BELTRAN

KAREN

NGAYON

SAAN KA NA NGAYON

SIYA

STRAIGHT AHEAD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with