^

PSN Showbiz

Alamat ng Lawin, daig ang Hollywood movie

-
Naiiba ang Alamat Ng Lawin, handog ni FPJ sa darating na Metro Manila Film Festival. Isang malaking pelikula ito na sa dami ng locations ay daig ang Hollywood movies. Walo. Opo, walo nga ang lokasyon ng Alamat... Sisimulan sa Quiapo, Manila, Bulacan, (Biak-Na-Bato), Antipolo City, Subic, Bohol, Laoag sa Norte, Mariveles at Pampanga.

Ang isa pang nakapagpapanibago sa pelikulang ito ay wala ang grupong nakasanayan na ng mga moviegoers basta FPJ Film – Bomber Moran, Paquito Diaz, etc. Maliban kay Romy Diaz na gumaganap ng isang napakahalagang role at si Augusto Victa. Si Ina Raymundo ang kanyang leading lady, sexy na katapat ng kamatsuhan ng hari.

At eto pa ang isang "bago" sa Alamat... May apat na mga bata siyang kasama sa pelikula na mula sa mahigit na tatlong daang aplikante na may kani-kanyang talento, nahugot ang apat na ito – Cathy Villar, Kent Kurillo, Ryan Yamasaki at Franklin Cristobal.

May magandang kuwento na tiyak ang appeal sa mga kabataan sa ngayon, ang magagandang tanawin ng walong location places na ang main attraction ng pelkula ay ang hari — Fernando Poe, Jr. Ano pa ba ang hahanapin ng manonood ng festival movies? (Ulat Ni Mimi Citco)

vuukle comment

ALAMAT

ALAMAT NG LAWIN

ANTIPOLO CITY

AUGUSTO VICTA

BOMBER MORAN

CATHY VILLAR

FERNANDO POE

FRANKLIN CRISTOBAL

INA RAYMUNDO

JR. ANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with