_ngayon
^

Judy Ann-Padilla movie, nauna pa sa Judy Ann-Piolo

() - July 31, 2002 - 12:00am
Marami ang nadismaya sa pagsisimula ng shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Judy Ann Santos at Robin Padilla sa Viva Films na nagsimula noong Biyernes, July 19. Maraming mga tagahanga ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa napabalitang pelikula nina Juday at Piolo Pscual na sisimulan sana nung July 22.

Pagkatapos makipag-meeting uli ni Alfie Lorenzo sa mga bossing ng ABS-CBN nitong nakaraang Biyernes ay na-finalize na rin ang Juday-Piolo movie na nagsisimula na rin nung Julu 28 o bago matapos ang buwang ito.

Nagkatotoo ang naging pahayag noon ni Tita Angge (Cornelia Lee) na posibleng magkaroon ng konting aberya ang unang shooting day ng pelikula nina Juday at Piolo pero pasasaan ba, tuloy-tuloy na ’yan. Ito rin ang nararamdaman noon ni Rene Mariano nang hilingan siya ng kanyang vibration para sa pangunahing tambalan ng bansa.

Samantala, "We are just friends," ang seryosong pahayag ni Judy Ann nang tanungin siya kung ano ang tunay na relasyon nila ni Piolo sa programa ni Inday Badiday sa DZMM. Maraming tagahanga ang nadismaya sa naging tugon ng kanilang idolo at isa na nga si Linda ng Batangas. Ayon sa kanya, bakit ayaw pa umamin ng kanyang idolo. Kitang-kita naman sa mga off-cam nila na higit pa sa magsyota ang kanilang kinikilos sa taping ng kanilang soap. Ayaw niyang dumating sa punto na matulad si Juday sa "The Boy Who Cried Wolf" na kung kailan nagsasabi ito ng katotohanan ay hindi na siya pinaniniwalaan.

Isang kasamahan namin sa loob ng booth ng DZMM, sa programa ni Inday Badiday ang nagwikang intindihin na lang ang aktres kung ayaw nitong umamin. Malaking aral ang natutunan nito sa naging relasyon nila ni Wowie de Guzman kaya napagdesisyunan nito na tatahimik siya sa parte ng kanyang buhay pag-ibig. Alex Datu
ALEX DATU ALFIE LORENZO BIYERNES BOY WHO CRIED WOLF CORNELIA LEE INDAY BADIDAY JUDAY JUDY ANN JUDY ANN SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with