Break na si Beth sa kanyang bf na mayor
RATED A - Aster Amoyo () - February 9, 2002 - 12:00am
Kung ginusto ng sikat na young actor na ito, siya sana ang ama ng mga anak ng isang kilalang aktres na hiwalay na sa kanyang asawang aktor. Mabuti na lamang at nagbago siya ng desisyon dahil kung nagkataon ay baka wala siyang career na pinag-uusapan ngayon.

Inamin ng young actor na nagkaroon sila ng relasyon ng aktres nung kasalukuyan pa silang gumagawa ng isang panghapong teleserye but at that time ay hiwalay na ang aktres sa kanyang mister.

Kung tutuusin, malaki rin ang agwat ng kanilang edad, pero hindi ito alintana ng young actor na ang mga type na babae ay mas may edad sa kanya tulad na lamang sa isang singer-actress na minsan ding na-link sa kanya.
* * *
Sang-ayon kami sa aming Kumadreng Alfie Lorenzo na hindi maganda ang ginawa ng TV Patrol na ‘apihin’ ang alaga niyang si Judy Ann Santos just because mas kumita ang pelikula ni Jolina Magdangal ang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip kumpara sa pelikula ni Juday, ang May Pag-ibig Pa Kaya? ng Starlight Films.

Maliit lang na produksyon ang Starlight Films kung ikukumpara sa Star Cinema at hindi rin ganun ka-extensive ang promotions ng nasabing kumpanya kung ihahambing sa tri-media promo ng Star Cinema.

Although hindi exclusive talents ng ABS-CBN si Juday kumpara kay Jolina, dapat pa ring pangalagaan ng top network si Juday dahil meron itong regular program sa kanila, ang Sa Puso Ko, Iingatan Ka at palagian din siyang gumagawa ng pelikula sa Star Cinema na pawang blockbusters, kasama na rito ang Mara Clara, (The movie), Esperanza, (The Movie), Isusumbong Kita Sa Tatay Ko, Kahit Isang Saglit at Bakit Di Totohanin.

Dapat din nating tandaan na kahit sinong superstar ay nakakaranas din ng flop na pelikula. Hindi man kumita ang ilan sa mga pelikula ni Juday, naranasan din ito ng mas malalaki pang artista kesa sa kanya. Ganunpaman, hindi dito nagtatapos ang career ni Juday dahil sunud-sunod pa rin ang ginagawa niyang pelikula at may iba pang mga producer na nag-aabang ng kanyang availability at kasama na rito ang Star Cinema na naghahanda na naman ng isang project with FPJ and another movie with Piolo Pascual.
* * *
Kumpirmadong break na si Beth Tamayo sa kanyang boyfriend of more than two years na si Mayor Tining Martinez ng Bogo Cebu. Tinapos na ni Beth ang relasyon nila ni Tining nung December 29 bago sumapit ang Bagong Taon.

Sa halip na magmukmok, idinadaan na lamang ni Beth ang lahat sa trabaho at kung may libre naman siyang oras ay lumalabas siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ayaw na ring magsalita ni Beth tungkol sa detalye ng paghihiwalay nila ni Tining. Gusto na lamang niyang alalahanin ang masasaya nilang araw nung sila pa.

"In fairness, mabait naman si Tining. Siguro, mahirap lang ang sitwasyon naming dalawa dahil nasa Cebu siya at narito naman ako sa Maynila. Ganyan talaga, may mga bagay talaga na nagbabago," susog pa niya.

Tila naka-recover na nga si Beth dahil maaliwalas ang mukha niya, isang indikasyon na unti-unti na siyang nakakabawi after the break-up.

Ngayong loveless na naman si Beth, tila nabuhayan ng loob ang isang mayamang businessman na matagal nang may pagtatangi sa dalaga at kung ito ang makakatuluyan ni Beth, puwede niyang talikuran ang kanyang showbiz career at kakayanin niyang mamuhay nang tahimik at mariwasa.
* * *
Wala na kaming balita tungkol sa aktres na si Ruby Moreno na bumalik sa Japan matapos gumawa ng mga supporting roles dito sa Pilipinas.

Sa aming recent trip sa Tokyo, Japan, ipinagtanung-tanong namin ang whereabouts ni Ruby pero walang nakapagturo sa amin kung nasaan ito ngayon. Ang huli naming balitang nasagap ay hiwalay na ito sa kanyang third Japanese husband at meron na naman daw itong ibang kinakasamang hapon. Bumalik na naman daw ito sa pagtatrabaho sa club.

Nanghihinayang lamang kami kay Ruby dahil siya na rin mismo ang nagpabaya sa kanyang sarili at sa kanyang career. Kung tutuusin, kilala siya sa Japan bilang isang mahusay na aktres, pero ito’y kanyang sinira at pinabayaan. Maging ang mga taong tumulong na siya’y makabalik ng Japan ay kanyang tinalikuran at malaki ang kanyang pagkakautang sa isang malaking kumpanya sa Japan kaya ito nagtatago ngayon. Sa pagkakaalam pa nga namin, naka-demanda siya sa Japan. May isa pang Filipina ang nagsabi sa amin na maraming tao umano sa Japan ang pinagkakautangan ni Ruby dahil walang wala ito ngayon. Paano na lamang ang kanyang pamilya sa Cavite na kanyang sinusuportahan?

ISANG JUDAY KANYANG KUNG SIYA STAR CINEMA STARLIGHT FILMS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with