Si Jolina, Darna?
- Veronica R. Samio () - February 4, 2002 - 12:00am
Oo naman. Bakit, di ba bagay si Jolina Magdangal gumanap ng role ng Darna? Pero, baka di nyo alam, she’s being considered to play the role of Mars Ravelo’s comics heroine na unang ginampanan ni Rosa del Rosario at sinundan nina Vilma Santos at Anjanette Abayari. Maski na si Dolphy ay gumanap na rin minsan ng role na ito.

"Payag ako, bakit hindi," tugon ni Jolina when told about this, "Pero, siguro ire-redesign ko ang kanyang costume para bumagay sa panahong ito ng millennium. At hindi ako papayag mag-two piece, hindi bagay sa akin. Wala naman akong katawan tulad nina Ate Vi at AJ. Siguro kung ako nga ang gaganap ng role, baka kundi ako naka-tights ay naka-cycling shorts ako," dagdag pa ng masayang star ng Kung Ikaw Ay Isang Panaginip na kasalukuyang tumatabo sa mga sinehan ngayon.

By the time na lumabas ito, nakapag-guest na si Jolina sa annual football game sa Maui, Hawaii’s Island War Memorial Stadium kahapon. Siya ang first Filipino to ever grace the event na kinober ng ESPN Cable TV at napanood sa buong USA. Nagkaroon din siya ng concert sa nasabing lugar makatapos ang game.

From Hawaii, go si Jolens sa California to launch her Jolina’s Fashion Gallery products at Musikang Pilipino sa West Covina sa Peb. 5 at magkakaroon din siya ng solo concert sa Alex theater sa Glendale sa Peb. 8.

May ginaganap na Jolina Day sa Hawaii tuwing ika-18 ng Nobyembre.
*****
Hindi naniniwala si Alberto de Esteban sa mga UFO. Pero, habang nagpapahinga sa kanilang shooting ng Tampisaw, ang ikalawang pelikula ng Tri-Vision Films na kinunan sa matulaing lugar ng Pagudpod, Ilocos Norte, ay nakakita siya ng isang UFO (unidentified flying object). Agad-agad ay kinuha niya ang kanyang video camera na palagi niyang dala para makunan ang mga happening sa kanyang shoot at maging ang mga paborito niyang artista gaya ni Anna Capri, at kinunan ang naglalarong UFO na hindi naman kataasang lumilipad sa himpapawid pero hindi rin naman mababa para sabihin niyang ito ay isa lamang kulisap.

"Dalawa sila pero isa lamang ang nakunan ko dahil lubhang napaka-bilis na nawala nung isa samantalang yung ikalawa ay tila hindi nagmadaling mawala at para talagang hinintay na makunan ko," anang seksing aktor na gumaganap ng mahalagang papel sa initial movie ng Tri Vision, ang Kaulayaw topbilled by Barbara Milano at nakatakda nang mapanood ngayong Peb. 6.

Ang UFO na ayon kay Roy Alvarez na nagsu-shooting rin sa kabilang ibayo, ng nasabi ring lugar, ay siya ring nakita niya at ng marami pang iba. Ito, ay ipinakita sa programang Startalk kahapon.

ANJANETTE ABAYARI ANNA CAPRI ATE VI BARBARA MILANO FASHION GALLERY FROM HAWAII JOLINA PEB PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with