^

PSN Showbiz

Sharon nag-donate ng P1-M

RATED A - Aster Amoyo -
Tinanggap na ni Sharon Cuneta ang P1 million jackpot prize na nakuha niya sa Christmas episode ng Who Wants To Be A Millionaire hosted by Christopher de Leon. On hand to give the checks to Sharon si Boyet, kasama si Ms. Veronique del Rosario-Corpus of Viva TV and Jonathan Aligada, executive producer of WW2BAM.

Ang P1 million prize na supposed-to-be ang kalahati ay ido-donate sa charity, ay buong hinati sa tatlo ni Sharon, 1/3 for the San Lorenzo Ruiz Formation and Learning Center, 1/3 sa Chosen Children Foundation at 1/3 kay Love Cruz, ang maysakit na panganay na anak ng colleague naming si Kuya Mar d’ Guzman. Close at mahal kay Sharon ang mga anak ni Kuya Mar, kaya nang malaman niyang maysakit si Love, isa talaga siya sa inisip ni Sharon na maging recipient ng 1/3 ng panalo niya.

Maraming na-touch sa gesture ni Sharon lalo na nang yumakap nang mahigpit sa kanya si Love at ilan sa mga lady scribes ay napaiyak din.

Buong pamilya pala ni Sharon ay nanonood ng said game show at minsan nga raw, unahan silang sumagot nina Sen. Kiko at KC sa mga questions. Kaya nang imbitahan siya para maupo sa ‘hot seat’, tinanggap niya. Hindi raw niya alam na ganoon pala talaga kalakas ng pressure sa mga contestants. But she went there to play and have fun at pangako niya sa sarili niya, lahat ng makukuha niyang prize ay ido-donate niya sa favorite charities niya.

Sa February 10, muling mapapanood ang WW2BAM at 8:00 p.m. sa IBC-13 na ang mga guests ay special celebrity couples. Sa opening episode, magiging guests sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado; Johnny Revilla and Janet Basco; Emil Buencamino and Giselle Sanchez; Ricardo Cepeda and Snooky Serna; Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza.
* * *
Lalo yatang gumanda ngayon si Jo Canonizado, na na-introduced sa Mananabas bilang leading lady ni Cesar Montano. At ngayon, second movie niya ang The Hustler na siya ang leading lady ng international action star na si Jacky Woo na siya ring producer.
* * *
Umalis si Richard Gomez patungong Los Angeles last February 1. Hindi na niya isinama ang mag-ina niya, sina Lucy at Julianna dahil one week lamang siya roon. May mga imi-meet siya roon na may kaugnayan sa business niya rito. Imi-meet din daw niya roon si Parañaque Mayor Joey Marquez na nauna nang umalis sa kanya.

Babalik agad si Richard dahil sa promo ng movie nila ni Regine Velasquez, ang Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon na sa pagkukuwento niya sa mga kaharap na press, may kilig talaga ang movie. Willing pala silang mag-promote ni Regine sa kani-kanilang show every Sunday, ang ASAP at SOP pero hindi madaling gawin. Kung pwede naman, hindi ma-resolve kung alin sa dalawang show ang dapat na mauna silang mag-appear.

vuukle comment

CESAR MONTANO

CHOSEN CHILDREN FOUNDATION

DINGDONG AVANZADO

EMIL BUENCAMINO

GISELLE SANCHEZ

GLYDEL MERCADO

HANGGANG NGAYON

IKAW LAMANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with