Judy Ann vs Jolina
- Veronica R. Samio () - January 22, 2002 - 12:00am
Para namang hinahamon ng pagkakataon ang magkaibigang Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sapagkat sa dinami-dami ng mga araw sa buong santaon, nagkasabay pa ang pagpapalabas ng kanilang mga pelikulang May Pag-ibig Pa Kaya? at Kung Ikaw Ay Isang Panaginip. Ang una ay prodyus ng Starlight Films at Star Cinema naman ang ikalawa.

Parehong love story ang dalawang pelikula, hindi masyadong seryoso, feel good, na siyang hanap ng mga manonood ng mga sine sa panahong ito ng taghirap.

Bagaman at nasubukan na ang lakas ni Juday sa box-office, hindi naman mapasusubalian na naging malakas din sa takilya ang mga ginawang movies ni Jolina.

Nangangahulugan ba ito na sila na nga ang magkalabang mortal among the current crop of bagets stars? Na sila ang makabagong bersyon nina Gloria-Nida at Nora-Vilma? Matatandaan na matagal nang walang mahigpit na magkalabang artista simula nung matapos ang mga eras ng mga nabanggit na mga aktres.

Parehong mga bago ang leading men ng dalawang batang aktres sa kanilang mga pelikula. Sinubok ng Star Cinema na ilagay sina Leandro Muñoz at Rafael Rosell IV bilang kapareha ni Jolina at mukha namang hindi sila nagkamali. Nag-spark ng totoong romansa sa totoong buhay ng tatlong kabataang artista ang kanilang pagsasama sa movie. Ewan lamang kung katulad sa istorya ay the three will live happily ever after. O di kaya, sino sa dalawang aktor ang mapipiling pagbigyan ni Jolina ng kanyang puso.

Bago rin ang leading man ni Juday sa katauhan ni Luis Alandy na excited naman sa magandang kapalaran na tinamo niya via the film. Kung si Jolina ay pag-aagawan nina Leandro at Rafael, si Matet de Leon naman ang magtatangkang agawin si Luis kay Juday or is it the other way around dahil sa story, si Matet ang girlfriend ni Luis bago niya nakilala si Juday.

January 30 ang release ng dalawang pelikula sa mga sinehan. Direktor ng May Pag-ibig Pa Kaya? si Jose N. Carreon at si Wenn Deramas naman ang sa Kung Ikaw Ay Isang Panaginip.

Malalakas ang suporta ng dalawang pelikula. Sina Gladys Reyes, Vhong Navarro ang kasama ni Juday. Sina Rio Locsin, Denise Joaquin, Kaye Abad, John Lapus at si Nida Blanca naman ang kasama ni Jolina.

Good luck na lang sa dalawang kabataang aktres na baka masira ang pagkakaibigan simula sa pagpapalabas ng magkasabay ng kanilang mga pelikula.
* * *
Nakatutuwa na makitang aktibo na naman sa pagkanta si Richard Reynoso. Si Richard ang isa sa pinaka-malakas na contender nung magdaos kami ng popularity contest sa magazine tabloid na inilabas ng kumpanyang naglalabas rin ng PSN. Naging isa sa pinaka-magaling na recording artist si Richard ng Alpha Records at constant hitmaker. Matatandaan na resident singer siya ng programang Aawitan Kita ni Armida Siguion Reyna at hanggang ngayon ay manaka-naka pa ring napapanood sa nasabing programa sa telebisyon.

May ginawang spiritual album si Richard sa Praise Inc. at ito ang ipino-promote niya sa TV nung mapanood ko siya sa programang Master Showman.

Sana nga ay maging hudyat ito ng kanyang pagbabalik sa mundo ng musika.
* * *
Hindi pa nakaka-recover si Piolo Pascual sa napaka-raming birthday celebrations na ibinigay sa kanya. Lalo na ng mga fans na dinayo pa siya sa kanyang shootings and tapings.

"Hindi ko mabilang yung mga cakes and gifts na tinanggap ko," kwento niya. "Napaka-rami kasi. May asalto, may celebrations sa set ng movie na ginagawa ko, sa set ng mga TV shows ko, ang dami."

When asked kung ano ang pinaka-magandang gift na tinanggap niya, sinabi niya na it was Donita Rose’s Devotional Bible. "Ang ganda, hanggang ngayon binabasa ko pa," sabi niya.

From his favorite leading lady, Judy Ann Santos, he got perfume and bag. Perfume din ang ibinigay sa kanya ni Joyce Jimenez.

Incidentally, nira-rush na nila ang shooting nila ng movie nila ni Joyce titled Sweetheart. Aalis kasi si Joyce for the US.

AAWITAN KITA JOLINA JUDAY JUDY ANN SANTOS KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP MAY PAG PA KAYA STAR CINEMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with