Sino ang panonoorin, si Juday o si Jolina?
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - January 19, 2002 - 12:00am
Naging napakasaya ang muling pagharap ni Piolo Pascual sa press noong Miyerkules na ginanap sa 9501 Building ng ABS-CBN. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ito the usual presscon kundi isang masayang kuwentuhan at kantahan. Naghandog ng isang awitin si PJ at maging ang press ay hindi naging KJ sa pagkanta.

Labis na natuwa at nagpasalamat si Piolo sa suportang ipinapakita sa kanya ng press. Hindi niya lubos akalain na ganun na lamang ang concern nila sa aktor sa kabila ng mga paninira sa kanya.
* * *
Magkasabay ang showing ng movie ni Jolina Magdangal at Judy Ann Santos kaya naman pilit na iniintriga ang dalawa. Sigurado daw na magiging mahigpit ang labanan sa takilya ng Kung Ikaw Ay Isang Panaginip ng Star Cinema at May Pag-ibig Pa Kaya ng Starlight Films.

Sa January 30 parehong mapapanood ang movie nila Jolens at Juday kaya naman ngayon palang kanya-kanyang prediction kung alin sa dalawang pelikula ang magiging blockbuster.

Unfair naman sa dalawang aktres ang pilit na pang-iintriga sa kanila dahil para sa kanila trabaho lang ito at walang personalan. Kung anuman ang maging resulta ng kanilang movies ay siguradong magiging masaya sila sa isa’t isa dahil hindi alam ng karamihan na good friends sila.
* * *
Pinaunlakan ni Boy Abunda na mag-host sa Hunks presscon na ginawa sa Cosmopolitan Café. Ang mga invited press ay na-surprise dahil first time muli nilang nakita si Kuya Boy na mag-facilitate ng ganung event. Sa rami kasi ng kanyang schedules ay naisingit pa niya ang mag-participate sa nasabing presscon. In full force din ang kanyang mga staff na abalang nag-aasikaso sa mga guests. By the way, hawak ng Backroom ang promo ng Hunks Concert on Valentine’s Day.
* * *
Email: eric_john_salut@abs.pinoycentral.com

BOY ABUNDA COSMOPOLITAN CAF HUNKS CONCERT JOLINA MAGDANGAL JUDY ANN SANTOS KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP KUYA BOY MAY PAG PA KAYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with