Jolina-Rafael team-up, may blessing ni Marvin
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - January 17, 2002 - 12:00am
Halatang na-miss nang husto ng mga fans si Jolina Magdangal dahil excited sila na muling mapanood sa big screen ang kanilang idolo. Sa katunayan marami ang nagbigay ng magandang feedback sa Kung Ikaw Ay Isang Panaginip nang ipalabas ang teaser at full trailer nito last Sunday sa ASAP.

Nakakakilig at nakakatuwa ang unang pelikulang ito ni Jolens for 2002. Not to mention na for the first time ay susubukan ang team-up niya with Leandro Muñoz and Rafael Rosell IV.

Mas lalo pang pinakwela ang nasabing movie dahil kasama rin sina Kaye Abad, John Lapuz, Denise Joaquin, Buboy Garovillo at Nida Blanca. May mall shows ang buong cast on the following dates: January 19 sa Robison’s Cainta. January 20 sa Robinson’s Manila, January 26 sa Ever commonwealth at January 27 sa SM Megamall. At para sa mga nagtatanong kung may premiere night ito abangan na lang ang announcement. First day of showing ng Kung Ikaw Ay Isang Panaginip ay sa January 30.

As early as now,na predict ng karamihan na isang blockbuster hit na naman ito.Kaya to the cast of the movie and Star Cinema, congratulations in advance.
* * *
Ayaw paawat ang pag-angat ng career at ang pagdami ng tagahanga nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. In fact, maituturing na isang multi-media loveteam ang kanilang team-up. Maliban sa Pangako Sa Sa’yo kung saan una silang nagtambal sa TV, pinatunayan din nila ang kanilang karisma sa recording scene.

Naikwento sa amin ng talent handler na si Allan Real na pumirma sila ng recording contract for Star Records. Dahil sa success ng kanilang duet entitled "Meron Ba?" na naging part ng Trip The Movie soundtrack,this year ay magre-record na sina Echo at Tin ng kanilang album. At kung matatapos ito in time, ila-launch ang kanilang first single sa Hunks concert on February 14 at Folks Arts Theater.
* * *
Hindi masama ang loob ni Marvin Agustin ngayong gino-groom si Rafael Rosell bilang bagong ka love-team ni Jolina Magdangal. Natutuwa pa nga sa magagandang nangyari sa kanilang respective careers. Walang alinlangan niyang sinabi na siguradong magiging maganda ang pagtanggap ng tao sa Jolina-Rafeal loveteam.

He’ll be turning 23 on January 29. Instead of taking a break magiging busy siya sa kanyang regular commitments like his Whattamen taping at shooting ng Dekada ‘70. He’s also preparing for his "Whatta-Marvin" birthday gig which is being presented by Dickies USA,Talk and Text and Air Philippines na gaganapin sa Ratsky Cebu.
* * *
Nais naming batiin ang isa sa malapit naming kaibigan at Executive Producer ng The Buzz na si Roxy Liquigan ng belated happy birthday. Nagdiwang siya ng kanyang birthday last January 9. To our dear friends, more blessing and good health!

ALLAN REAL BUBOY GAROVILLO DENISE JOAQUIN EXECUTIVE PRODUCER FOLKS ARTS THEATER JERICHO ROSALES JOLINA MAGDANGAL KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP RAFAEL ROSELL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with