^

Probinsiya

Jeep tinangay ng baha: Misis patay, mister missing, 12 pasahero nasagip

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Jeep tinangay ng baha: Misis patay, mister missing, 12 pasahero nasagip
Map of Batangas with Rosario highlighted
Wikipedia / HueMan1

Habang tumatawid sa spillway

MANILA, Philippines — Patay ang isang 40-anyos na ginang habang pinaghahanap pa ang nawawala nitong mister at 12 pang pasahero ang nasagip makaraang tangayin ang isang pampasaherong jeepney ng rumaragasang tubig baha habang patawid sa spillway sa tabi ng Panisingan River, Brgy. Colongan, Rosario, Batangas nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Rosario Municipal Disaster Risk
Reduction and Management Office at ng lokal na pulisya, maga-alas-4 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagpumilit ang pampasaherong jeepney na tumawid sa spillway sa kabila ng pagtaas ng tubig sa instruksyon umano ng may-ari ng jeepney.

Sinabi ni Rosario Mayor Leovy Morpe, na 12 sa mga pasahero ang matagumpay na nasagip matapos na marinig ng mga residente ang kanilang sigaw at paghingi ng saklolo.

Dahil sa malakas na agos, tinangay ang ginang at ang 44-anyos nitong mister na nabigo nang masagip ng mga residente.

Sa pagpapatuloy ng rescue operations ng pinagsanib na elemento ng Rosario MDRRMO, Philippine Air Force (PAF), Philippine Coast Guard (PCG) at Rosario Municipal Police Office nitong Linggo ng umaga ay narekober ang bangkay ng ginang sa nasabing ilog.

Patuloy pa ring pinaghahanap ang nawawalang mister ng nasawing ginang ng mga elemento ng rescue team na ginagalugad na ang ilog.

Nabatid na wala namang pag-ulan sa bayan ng Rosario nang biglang tumaas ang tubig baha pero malakas umano ang ulan sa katabing lungsod ng Lipa.

BATANGAS

ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with