^

Probinsiya

SJDM pinuri imbestigasyon ng Senado sa problema sa tubig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Lone District ng San Jose del Monte (SJDM) sa Senate Committee on Public Services sa pagla­lantad ng mga isyu sa hindi maaasahang serbisyo ng tubig na matagal nang nararanasan ng mga residente.

Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo, iniulat ang kalagayan ng nasa 47,611 kabahayan o nasa 250,000 residente na naapektuhan ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Ayon sa SJDM, umabot sa tinatayang P300 milyon kada taon ang ginastos ng lokal na pamahalaan para sa emergency water tanker na nagsu-supply sa mahigit 60 barangay dahil sa problema sa serbisyo.

Tinalakay rin sa pagdinig ang mga natuklasang kakulangan sa dating operasyon ng PrimeWater at Hiraya Water, kabilang ang mga isyu sa ­pumping facilities at wastewater na iniulat sa Department of Environment and Natural Resources.

Umaasa ang SJDM na magreresulta ang imbestigasyon ng Senado sa pangmatagalang solusyon upang matiyak ang ligtas, maaasahan, at patas na serbisyo ng tubig para sa mga residente ng lungsod.

WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with