^

Probinsiya

Gumagala na 3 takas na preso sa Antipolo City, ‘fake news’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinawi ang takot ng mga residente ng Antipolo City sa lalawigan ng Rizal matapos kumpirmahin kahapon ng Antipolo Component City Police na “fake news” ang kumakalat sa social media na may gumagalang tatlong takas na bilanggo na sangkot sa mga kasong homicide, murder at rape.

Nilinaw ng Antipolo CCPS sa isang official statement: “Hindi nagmula sa aming tanggapan at hindi isang opisyal na pahayag ng Antipolo CCPS o ng Philip­pine National Police.”

“Wala ring sapat at beripikadong detalye sa naturang mensahe upang patunayan ang sinasabing insidente. Dahil dito, hinikayat ang publiko na huwag basta maniwala, mag-share, o mag-forward ng mga mensaheng walang malinaw at mapagkakatiwalaang pinagmulan, lalo na kung maaari itong magdulot ng takot at pangamba sa komunidad,”dagdag pa nito.

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with