P234.3 milyong puslit na sigarilyo nasabat ng Navy

COTABATO CITY, Philippines — Umiskor ang Philippine Navy matapos na masabat ng kanilang tropa ang nasa P234.3 milyon na halaga ng mga puslit na sigarilyo sa isang anti-smuggling seaborne operation malapit sa Lutangan Island sa Olutanga, Zamboanga Sibugay nitong Hulyo 19.
Sa magkahiwalay na ulat nitong Miyerkules ng pa-exit nang commander ng Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Donald Gumiran makaraang maitala bilang bagong commander ng Philippine Army nitong Martes (July 21) at ni Rear Admiral Constancio Arturo Reyes, Jr. ng Western Mindanao Naval Command, ang kontrabandong nasabat ay lulan ng sasakyang pandagat na nasa kustodiya na rin mga kinauukulan.
Nakumpiska ng Navy team na nagsagawa ng naturang offshore operation ang nasa 1,436 na malalaking kahon na may lamang mga sigarilyong gawa sa Indonesia, ayon sa mga local executives at mga officials ng Police Regional Office 9 na katuwang ng WestMinCom, ng Philippine Navy, ng Philippine Coast Guard at Bureau of Customs sa pagsugpo ng cigarette smuggling sa Western Mindanao area.
Agad na ipinakustodya ng WMNC sa Bureau of Customs ang mga sigarilyong may Indonesian brands na nakumpsika sa isang bangka sa karagatang malapit sa Lutangan Island.
- Latest


















