^

Probinsiya

Suplay sa SJDM sa Bulacan binawasan ng MWSS

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Suplay sa SJDM sa Bulacan binawasan ng MWSS
Receding waters of Angat Dam were seen on June 24, 2026 as its level continues to drop due to lack of rainfall.
Michael Varcas / The Philippine STAR

Sa pababa ng tubig sa Angat Dam

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines — Umabot na sa kritikal na antas ng tubig ang Angat Dam mula pa noong Hul­yo 11, bago bahagyang tumaas bunsod ng pagda­ting ng ulan dulot ng habagat sa watershed ng Dam.

Batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), alas-6:00 ng umaga noong Hulyo 11, naitala ang antas ng tubig sa 152.15 metro, ang pinakamababang lebel sa kasaysayan ng dam.

Pagsapit ng alas-8:00 ng umaga, bahagya itong tumaas sa 152.20 metro, o limang sentimetro ang idinagdag sa antas ng tubig. Nanatili pa rin itong 7.80 metro na mas mababa sa kritikal na antas na 160 metro, 27.80 metro na mas mababa sa minimum ope­rating level, at 59.80 metro na mas mababa sa normal na mataas na antas ng tubig tuwing tag-ulan na 212 metro.

Samantala, inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na binawasan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang alokasyon ng tubig para sa lungsod mula 70 mil­yong litro kada araw (MLD) tungo sa 32 MLD.

Dahil dito, agad na nagpatawag ng pagpupulong si Mayor Florida “Ate Rida” Robes kasama ang mga pangu­nahing ahensiya ng tubig upang bumuo ng mga agarang at pangmatagalang hakbang na magpapagaan sa epekto ng El Niño at mapakinabangan ang natitirang suplay ng tubig sa Bulacan.

ANGAT DAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with