^

Probinsiya

Lalaki todas sa drug trade; P340K shabu nasabat

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaki todas sa drug trade; P340K shabu nasabat
Base sa ulat, alas-3:55 ng hapon nang maganap ang pamamaril habang ang biktima ay naglalakad sa Tropical Village ng nasabing lugar na kinilala sa alyas “Jomarie,” residente sa Brgy. San Simon Dasmarinas City Cavite, nang pagbabarilin ng mga ‘di nakilalang suspek.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 32-anyos na lalaking biktima matapos itong pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin na posibleng may kinalaman sa droga, kamakalawa sa Brgy. San Francisco Gen. Trias Cavite.

Base sa ulat, alas-3:55 ng hapon nang maganap ang pamamaril habang ang biktima ay naglalakad sa Tropical Village ng nasabing lugar na kinilala sa alyas “Jomarie,” residente sa Brgy. San Simon Dasmarinas City Cavite, nang pagbabarilin ng mga ‘di nakilalang suspek.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay sangkot sa ilegal drug trade at posibleng ito ang motibo kung kaya ito pinaslang.

Sa isinagawang follow-up operation ng Dasmariñas City Police, dakong alas-9:45 ng gabi, sinalakay ang hide out ng mga suspek sa lugar na hindi nadatnan ang grupo, subalit bumulaga sa mga ito ang nagkalat na shabu sa loob ng bahay na umabot sa may 13 piraso ng plastic sachet na may timbang na 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000.00.

Nasamsam din ang 1 coin pouch, 1 cal .45 pistol na may serial number na 2245337, magazine ng nasabing baril, at mga bala.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman sa ilang residente rito na may dalawang buwan pa lamang umanong nakatira at ­nangungupahan ang apat na suspek sa nasabing unit.

Patuloy ang hot pursuit operation para sa mga nakatakas na suspek.

DROGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with