^

Probinsiya

Dump truck swak sa bangin: 6 patay, higit 12 sugatan

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Dump truck swak sa bangin: 6 patay, higit 12 sugatan
Map of Pangasinan showing the location of Labrador
Wikipedia / Mike Gonzalez

Matapos sumalpok sa pickup truck

MANILA, Philippines — Anim na manggagawa ng isang construction company ang nasawi habang mahigit sa 12 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbangaan ang isang pickup truck at isang mini dump truck na diretsong nahulog sa bangin sa mabundok na bahagi ng kalsada ng Brgy. Bolo, Labrador, Pangasinan nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Panga­sinan Police, dakong alas-6:15 ng gabi nang mangyari ang malagim na trahedya sa mountain trail road ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Captain John Ramos, hepe ng Labrador Police, lima sa mga biktima ay dead-on-arrival sa pagamutan na kinabibilangan ng isang 39-anyos at 36- taong gulang na taga-Brgy. Bolo, Labrador habang ang tatlo ay nagkakaedad ng 47, 36, at 25.

Samantala, ang ikaanim na biktima ay binawian naman ng buhay nitong Miyerkules ng umaga habang isinasalba ang buhay nito sa pagamutan.

Ayon sa pulisya ang mga nasawi ay pawang manggagawa ng Solar farm construction company na lulan ng mini dump truck.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang biktima na sinaklolohan ng mga operatiba ng Labrador Police at Municipal Disas­ter Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na maiahon sa bangin at madala sa pagamutan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, magkasunod na buma­bagtas sa mountain trail road ang isang Nis­san Navarra pickup truck na sinasak­yan ng mga empleyado ng China Communication Services Philippines Corporation at isang Sinotruck mini dump truck na lulan naman ang mga manggagawa ng Human Construction Engineering Group ng Solar farm construction company. Sinasabing nasa halos 40 katao ang sakay ng natu­rang dalawang sasakyan.

Pagdating sa nasabing bahagi ng kalsada na may matarik na kurbada ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng mini dump truck dahil nagloko ang preno ng sasakyan bunsod upang bumangga ito sa kaliwang bahagi ng pickup truck na mara­ming kataong sakay bago tuluyang mahulog sa bangin ang mini dump truck sa tabi ng matarik na kalsada.

Wala namang gaanong pinsalang tinamo ang driver ng pickup truck pero dinala rin siya sa pagamutan upang maisailalim sa medical examination.

PANGASINAN

LABRADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with