P15 bilyong recovery fund sa Mindanao hirit dahil sa magnitude 7.8 lindol

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding pinsala, nangangailangan ang mga apektadong lugar sa Mindanao ng P15 bilyon para sa pagbangon sa matinding delubyo sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol.
Ito ang inihayag ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na inihain ang House Bill (HB) No.9887 na humihingi ng P15 bilyong supplemental budget sa ilalim ng Fiscal Year 2026 para pondohan ang relief, recovery, rehabilitasyon, pagkukumpuni at iba pa sa mga lugar sa Mindanao na matinding napinsala ng lindol.
Ang panukalang batas ay naglalayong magkaroon ng augmentation sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund at magkaloob ng agarang tulong sa mga naapektuhang komunidad sa Regions XI at XII sa 7.8 magnitude ng lindol na tumama sa Sarangani noong Hunyo 8.
Sakaling mapagtibay ang panukala bilang batas, maglalaan ng P2 bilyon sa Department of Agriculture (DA) para sa irigasyon, pagkukumpuni at direktang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda gayundin sa DepED para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga napinsalang eskuwelahan.
- Latest




















