^

Probinsiya

Utol ng Cebu ex-governor timbog sa online sexual harassment

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Utol ng Cebu ex-governor timbog sa online sexual harassment
The map shows
Cebu City Google Map

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng Cebu Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit ang kapatid ni dating Cebu Governor Gwen Garcia na si Byron Garcia, kaugnay ng kasong gender-based online sexual harassment.

Sa bisa ng warrant of arrest, binitbit si Byron mula sa kanyang bahay sa Brgy. San Roque, Talisay City noong Huwebes kaugnay ng 3 counts ng paglabag sa Section 12 ng Republic Act 11313 o Safe Spaces Act, na isinampa ni Dr. Elisse Nicole Catalan, anak ni Cebu Governor Pamela Baricuatro.

Batay sa resolusyong inilabas ni Mandaue City Prosecutor Mary Francis Daquipil, nakitaan nang sapat na batayan ang kaso upang magresulta sa posibleng hatol laban kay Byron.

Lumilitaw sa imbestigasyon, sangkot umano si Byron sa mga social media post at pampublikong video na naglalaman ng body-shaming, sexist remarks, at mga mapanirang pahayag laban sa pisikal na anyo ng nagrereklamo.

Kabilang sa mga ebidensiyang isinumite ang isang video kung saan tinawag umano ni Byron si Catalan na isang “overweight and obese doctor.”

Ayon sa reklamo, nagdulot umano ang mga pahayag ng kahihiyan, pagkabalisa, at emosyonal na pinsala sa complainant.

Itinanggi naman ni Byron ang isyu at sinabing wala silang alam tungkol sa kaso. Itinakda ng korte ang piyansa ni Byron sa P108,000.

BYRON

CEBU

GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with