^

Probinsiya

Forced evacuation ipinatupad sa Region 9, 11, 12 sa tsunami alert

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng forced evacuation sa mga komunidad sa tabing dagat sa mga lalawigan ng Region 9, 11 at 12 kaugnay sa pagtaas ng babala sa tsunami kasunod ng pagtama ng 7.8 magnitude ng lindol sa Maasim, Sarangani na yumanig sa iba’t ibang rehiyon sa Mindanao nitong Lunes ng umaga.

Sa report ng tanggapan ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Harold Cabreros, nakaalerto ang kanilang tanggapan na nagsagawa na ng koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, uniformed services at mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa matinding epekto ng malakas na lindol.

Si Cabreros at iba pang mga opisyal ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ay bumiyahe sa General Santos City upang tiyakin ang mabilis na koordinasyon sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa nagpatupad ng forced evacuations ay ang mga komunidad sa tabing dagat sa Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato.

Sa Zamboanga City sa Region 9 ay nasa 1,000 residente ang inilikas sa komunidad sa tabing dagat; sa Sarangani at Davao Occidental ay nasa daang pamilya naman ang isinailalim sa forced evacuation kaugnay ng banta ng tsunami.

Iniulat ng OCD ang malawakang pinsala sa mga istraktura, supply ng kuryente at serbisyo ng komunikasyon sa mga lugar na nasalanta ng lindol.

Kaugnay nito, isinailalim din sa full alert status ang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno partikular na ang national Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) habang ang iba pang nasa response cluster ay heightened alert naman para sa koordinasyon at aksiyong pang-emergency.

EVACUATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with