^

Probinsiya

Truck papuntang outing tumaob: 14 katao sugatan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Truck papuntang outing tumaob: 14 katao sugatan
Map of Aurora
Google Map

MANILA, Philippines — Sugatan ang 14 na katao na magkaka-anak nang tumaob ang sinasakyang truck sa Barangay Dianawan, Maria Aurora, Aurora noong Martes ng umaga.

Ayon sa Maria Aurora Police, ang trak ay minamaneho ng isang 36-anyos na lalaki sakay ang kanyang 13 na kaanak mula sa Tarlac City na papunta sana sa isang beach resort sa Maria Aurora para mag-outing nang maganap ang aksidente.

Ayon sa pulisya, nang marating ng trak ang pababang lugar at palikong bahagi ng kalsada ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver dahilan para dumiretso ang trak at bumangga sa isang pader doon hanggang sa tulu­yang tumaob sa kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang lahat nang sakay ng trak kasama ang driver nito.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima at doon nagpapagaling sa kasalukuyan.

Hinala ng pulisya na hindi kabisado ng driver ang naturang kalsada kaya’t naganap ang aksidente.

AURORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with