^

Probinsiya

P5.8 milyong cocaine nalambat sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
P5.8 milyong cocaine nalambat sa Quezon
Ayon sa tinanggap na ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, hindi ito ang ­unang pagkakataon na nagpamalas ng katapatan ang mga residente rito.
STAR / File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Sa halip na alimango, isang pakete ng hinihinalang cocaine na tinatayang nagkakahalaga nang mahigit sa P5 milyon ang nalambat ng isang mangingisda sa dalampasigan ng Sitio Katmon sa Barangay Busdak, Patnanungan, Quezon kamakalawa.

Ayon sa tinanggap na ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, hindi ito ang ­unang pagkakataon na nagpamalas ng katapatan ang mga residente rito.

Ito na ang ikatlong beses ngayong taon na may napadpad na, ilegal na droga sa parehong barangay.

Sinabi ni Col. Albacea na nangunguha lamang ng alimango ang ma­ngingisdang si alyas “Dennis” sa dalampasigan nang mapansin ang isang pakete at kagyat itong isinuko sa mga awtoridad.

Sa inisyal na pagsisiyasat, natuklasang naglalaman ang pakete nang higit isang kilo ng puting crystalline substance na sa pagtaya ay nagkakahalaga ng P5.8 milyon.

Sinabi ng pulisya na dahil sa lawak ng bayba­yin ng Quezon na umaabot sa mahigit isang libong kilometro, madalas itong maging vulnerable sa smuggling kaya naman inatasan ni Col. Albacea ang mga pulisya na nasasaklaw ng Polilio Group of Island (POGI), Alabat, Perez, Quezon (ALQUEREZ) at baybayin ng Ragay Gulf na palagiang ma­ging alerto sa posibleng pagbabagsak ng mga ilegal na droga ng mga sindikato. Noong Abril at Mayo, milyun-mil­yong piso ring halaga ng cocaine ang isinuko ng iba pang ma­ngingisda.

COCAINE

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with