^

Probinsiya

Pulis na viral sa pambubugbog sa dyowa, sinibak

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

LUNGSOD NG MALOLOS, Philippines — Na-relieved na sa kanyang tungkulin ang isang tauhan ng Malolos Police Station na nakunan ng video na nanakit ng isang babae na sinasabing live-in partner nito na nag-trending sa social media.

Sa ipinalabas na pahayag ng City of Malolos Police Station, ang nasabing police personnel nabisa g Corporal na hindi pinangalanan, ay kasalukuyang nasa holding unit na ng stasyon.

Ang biktima na ka-live in partner ng suspek ay itinago sa alias na “Aira” at kasalukuyang ginagamot sa isang ospital dahil sa tinamong mga pasa sa mukha at katawan dahil sa pambubugbog ng nasabing pulis.

Heto ang nasabing pahayag ng tanggapan ng kapulisan ng Malolos;

“Kaugnay ng kumakalat na viral CCTV footage/video na kinasasangkutan ng isang pulis, nais po naming ipabatid sa publiko na ang naturang personnel ay kasaluku­yang relieved sa kanyang pwesto at naka-hold na sa Malolos Station Holding Unit ng Malolos City Police Station habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

“Mariing kinokondena ng Malolos Police ang anumang uri ng karahasan laban sa sinuman, lalo na sa mga kababaihan. Hindi po kinukunsinti ng aming tanggapan ang anumang paglabag sa batas at sa mga umiiral na alituntunin ng Philippine National Police.

“Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ng Malolos Police ang naturang insidente at nagsasagawa ng kaukulang hakbang upang makuha ang salaysay ng magkabilang panig para sa patas at masusing paglilinaw ng pangyayari.

“Ang biktima ay kasalukuyan nang nasa himpilan ng Malolos City Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa naturang pulis.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with