^

Probinsiya

Pulis todas sa inarestong drug suspect!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Pulis todas sa inarestong drug suspect!
Binisita ng mga opisyal ng Police Regional Office 13 ang sugatang si Patrolman John Paul Lesmoras sa ospital at tiniyak ang kanilang buong suporta para sa kanyang medikasyon. Minalas namang masawi si Staff Sgt. Charito Gepulla, na kanyang kasama sa buybust operation nang ma baril ng drug suspect na nakatakas sa Barangay Cagniog sa Surigao City n itong Miyerkules.
Police Regional Office 13

Inagawan ng baril

COTABATO CITY , Philippines — Patay ang isang pulis nang mabaril ng isang tulak ng shabu gamit ang sariling baril nito na umano’y kanyang inagaw, habang sugatan ang isa pa sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cagniog sa Surigao City nitong  Miyerkules.

Ayon sa mga matataas na opisyal ng Police Regional Office 13 at Surigao City Police Station, ang nasawi ay kinilalang si Staff Sgt. Charito Gepulla, nakatalaga sa  Provincial Drug Enforcement Unit ng Surigao del Norte Provincial Police Office.

Sugatan naman ang kanyang kasamang si Patrolman John Paul Lesmoras na kasalukuyang nagpapagamot sa ospital. Ang suspek na si Ronron Maturan ay nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap sa malawakang manhunt operation ng mga yunit ng PRO 13.

Batay sa ulat nitong Sabado, nagawa umano ni Maturan na maagaw ang baril ni Staff Sgt. Gepulla at pinaputukan ito matapos siyang makapagbenta ng shabu sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Sitio Cayutan, Barangay Cagniog, Surigao City noong Miyerkules ng gabi.

Nauwi sa pamamaril ang operasyon nang makutuban umano ni Maturan, na kilala sa malawakang pagbebenta ng shabu at marijuana, na mga pulis na nakasibilyan ang kanyang katransaksyon.

Binaril at nasugatan din ni Maturan si Lesmoras bago tumakas.

Tiniyak naman ni Brig. Gen. Mariano Magistrado IV, director ng Police Regional Office 13, ang buong suporta para sa pagpapagamot ni Lesmoras matapos niya itong bisitahin sa ospital noong Huwebes.

Tumutulong na rin ang mga lokal na opisyal sa Surigao City sa pagtugis kay Maturan, ayon sa mga opisyal ng PRO 13 at mga miyembro ng multi-sector Regional Peace and Order Council 13.

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with