Bagong chemotherapy center para sa mahihirap sa Laguna, binuksan
LAGUNA, Philippines — Magandang balita para sa mga Lagunense!
Ang mga cancer patients ng Sta. Rosa City at pati na rin ang mga residente ng buong Laguna ay maaari nang mag-avail ng mga libreng serbisyo sa chemotherapy na may “top of the line” na kagamitan sa AML Life-Care Chemotherapy Center na matatagpuan sa One Sta. Rosa prime establishment sa Sta. Rosa City, Laguna, kahapon ng umaga.
Inilunsad ang programa nina Laguna Governor Sol Argones at Lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas at Dr. John Paul Aclan, isang Pilipinong negosyante, at ang Chairman/CEO ng Aclan Group of Companies (AGC) at We Hope Medical Group.
Ayon kay Aclan, ang programa ay naglalayon na palawakin ang access sa life-saving treatment, partikular na para sa mga mahihirap na pasyente na madalas na nahihirapan sa mataas na halaga ng chemotherapy at upang magbigay ng pag-asa at suporta sa mga Lagunense na matapang na lumalaban sa mga kanser.
Ang bagong pasilidad sa Sta. Rosa City ay binuksan kahapon ng umaga habang sa San Pablo District Hospital ay opisyal na magbubukas sa Abril 28, habang ang isa pang sentro sa Bay District Hospital ay nakatakdang simulan ang operasyon sa Mayo 7. At gayundin sa Lungsod ng San Pedro, Calamba City at Biñan, habang sa Sta. Cruz ay kasalukuyan nagsimula, lahat ng mga centers at ospital ay tumatanggap na ngayon ng pagpaparehistro ng pasyente bilang paghahanda para sa paglulunsad, na tinitiyak na ang mga serbisyo ay maihahatid nang mahusay sa mga nangangailangan.
Aniya, ang pagtatayo ng karagdagang mga chemotherapy center ay bahagi ng mas malawak na istratehiya para palakasin ang mga serbisyong pangkalusugan ng mamamayan.
- Latest


















