^

Probinsiya

Pabrika ng paputok sumabog sa Bulacan, bahay nasunog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Pabrika ng paputok sumabog sa Bulacan, bahay nasunog
Kinumpirma ni John Bailey Lee, pangulo ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. na sumabog ang isang unlicensed backyard fireworks factory.
Krizjohn Rosales/File

BOCAUE, Bulacan, Philippines, Philippines — Kinumpirma ng mga stakeholders ng mga fireworks na sumabog ang isang bahay na ginawang pagawaan ng ilegal na paputok sa bayang ito, o mas kilala bilang Fireworks Capital of the country noong Biyernes ng gabi.

Kinumpirma ni John Bailey Lee, pangulo ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. na sumabog ang isang unlicensed backyard fireworks factory.

Ayon naman kay Lt. Col. Gilbert Diaz, hepe ng pulisya ng Bocaue, nakarinig ng pagsabog ang mga imbestigador ng pulisya habang iniimbestigahan ang naiulat na sunog sa Sitio Kakulisan, Barangay Bambang ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na ulat ng Bocaue Bureau of Fire Protection, ang bahay na nasunog ay pagmamay-ari ni alyas “Buknoy”, ayon kay Diaz.

Wala namang naiulat na nasugatan sa pagsabog at sunog.

Sinabi rin ng hepe ng pulisya ng Bocaue na mayroon lamang isang lisensyadong fireworks manufacturer na isang nagngangalang “Yangco” na nakalista sa kanilang record book na matatagpuan sa nasabing lugar.

Dahil sa insidente, pinaalalahanan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando, chairman ng Pyrotechnic Regulatory Board of Bulacan, ang mga manggagawa at dealer ng paputok, sa tulong ng ating kapulisan at mga product standards bodies na mahigpit na sundin ang mga kinakailangan sa paglilisensya at permit; tumigil sa pag-operate sa mga residential area; sundin ang wastong pag-iimbak at paghawak ng mga kemikal at finished products; maglagay ng fire safety measures katulad ng firebreaks, extinguishers at accessible exits; at magsagawa ng regular inspection at safety compliance checks.

FIREWORKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with