^

Probinsiya

2 magkaangkas, todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 magkaangkas, todas sa ambush!
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo makaraang tamba­ngan at pagbabarilin sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur nitong Martes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang sakay ng isang motorsiklo ang napatay sa ambush sa mataong lugar sa Barangay Damawato sa Datu Paglas, Maguin­danao del Sur nitong Martes ng umaga.

Ang insidente ay pang-12 na magkaha­lintulad na pananam­bang sa probinsya mula nitong nakalipas na Disyembre 2025, lahat walang naging kalutasan.

Magkaangkas sa isang motorsiklo si Ibrahim Matukan Pigkaulan at kasamang hindi agad kinilala ng mga imbestigador mula sa Datu Paglas Municipal Police Station nang tambangan ng mga armadong kalalakihan na nakaambang sa kanila sa Barangay Damawato.

Si Pigkaulan ay kilalang masigasig na supporter ng anti-narcotics campaign ng pulisya.

Agad na namatay ang dalawang ambush victims, parehong residente ng Datu Paglas, sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Nang makitang napuruhan ang mga target, mabilis na tumakas ang mga salarin, ayon sa mga barangay officials sa Damawato at mga pulis na nagresponde sa insidente, ayon sa mga local officials sa Datu Paglas, isa sa 24 na mga bayan sa Maguin­danao del Sur.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with