^

Probinsiya

2 ‘hired killer’ sa Maguindanao, dedo sa engkwentro

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 ‘hired killer’ sa Maguindanao, dedo sa engkwentro
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang da­lawang hired killer na wanted sa iba’t ibang kaso nang makaengkwentro ng mga pulis sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Lunes ng madaling-araw.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang kilalang notor­yus na “hired killer” na wanted sa mga kasong murder at iba pang krimen ang napatay nang manlaban umano sa mga pulis na aaresto sana sa kanila sa Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Lunes ng mada­ling araw.

Sa ulat  ng mga local executives sa Sultan Kudarat at barangay officials na nagsuplong ng eksaktong kinaroroonan sa Rebuken ng mga wanted na sina Peter Osorio at Edwin Mallorca, hahainan lang sana sila ng mga warrants of arrest ng isang police team, ngunit naglabas sila ng mga baril at granada kaya nagkaengkwentro na nag-resulta sa kanilang pagkamatay.

Ayon kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, napilitang gumanti ng putok ang mga ope­ratiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Lt. Col. Esmael Madin, at PRO-BAR nang paputukan sila ng dalawang suspek na kanila sanang aarestuhin.

Natunton ng raiding team ang hideout nina Osorio at Mallorca sa tulong ng mga municipal at barangay officials sa Sultan Kudarat.

Si Osorio, taga Antipas, Cotabato ay panga­lawa sa 10 most wanted persons sa tala ng pulisya sa naturang bayan, na may kinakaharap na mga kasong murder na nakabinbin sa iba’t ibang korte.

Tumakas si Osorio sa Antipas, habang kinanlong ng kanyang kapatid sa Barangay Rebuken si Mallorca na may warrant of arrest na inilabas noong March 11, 2024 ang Regional Trial Court Branch 17 sa Kidapawan City sa Cotabato dahil sa murder cases na isinampa sa laban sa kanya.

Ayon sa mga local executives at Moro datu sa Sultan Kudarat at hindi kalayuang Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, itinuturong res­ponsable sina Osorio at Mallorca sa pamamaril at pagpatay kapalit ng pera ng mahigit 10 katao sa kanilang mga bayan at sa Cotabato City mula nang nagsama sila sa Rebuken noon pang 2024.

Si Mallorca ay kilala sa Sultan Kudarat at sa Sultan Mastura na dealer umano ng shabu at marijuana.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with