^

Probinsiya

2 suspek sa pagpatay sa parak sa Bulacan, timbog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

CAMP GENERAL ALEJO S. SANTOS, Malolos City, Bulacan, Philippines — Nasakote sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya ang dalawang pangunahing suspek sa pamamaril sa isang pulis na pangulo ng homeowners association at pagkasugat ng isang sibilyan dito sa lalawigan, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Marvin Salim 43, gunman, dating pulis ng Obando, Bulacan at Adonis Santos, 42, residente ng Bulakan, Bulacan.

Si Santos ay naaresto sa Brgy. Maysantol, Bulakan, Bulacan dakong alas-6:00 ng gabi habang si Salim ay nasakote sa Brgy. Panghulo Obando dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa.

Ang dalawang suspek ang itinuturong sangkot sa pagpatay kay PMaster Sgt. Jose Uring, 51, residente ng B-35, L-19, Brooklyn Heights Subdivision, Brgy. Tuktukan, Guiguinto, Bulacan at nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit ng Bulacan PPO at pagkasugat ng isang sibilyan noong Marso 8, 2026 sa basketball court ng Brooklyn Heights sa Brgy. Panginay, Guiguinto, Bulacan.

Ayon sa ulat ni PLt. Col. Librado Manarang, chief of police ng Guiguinto Municipal Police Station, nangyari ang krimen alas-9:57 ng gabi noong Marso 8, 2026 habang nagsasagawa ng pagpupulong para sa eleksyon ng mga opisyal ng Homeowners’ Association sa nasabing subdivision. 

Habang naglalakad ang biktima patungo sa tolda ng mobile sound system ay nilapitan umano ni Salim mula sa likuran at binaril sa ulo ang una. 

Sa gitna ng kaguluhan, isang sibilyan na si alyas Lyn ang nabaril din ng suspek sa kanyang kaliwang tuhod at ngayo’y nagpapagaling na sa Polymedic Hospital.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga operatiba ng Guiguinto Police sa pakikipag-ugnayan sa Bulacan Provincial Intelligence Unit sa ilalim ni PLt. Col. Russel Dennis Reburiano, kasama ang mga tauhan mula sa PIDMU, Bulakan MPS, Obando MPS, 1st Provincial Mobile Force Company, PECU Bulacan, RSOG3, at RIU3.

BULACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with