Lalaki binaril sa ulo, shabu sa tabi ng bangkay narekober
CAVITE, Philippines — Hinihinalang may kinalaman sa droga ang naganap na pamamaril at pagpatay sa isang 37-anyos na lalaki makaraang makarekober ang awtoridad ng shabu sa ‘di kalayuan sa bangkay nito kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pasong Camachile 1, Gen Trias City.
Sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng hapon ng maganap ang insidente kung saan sakay ang biktima ng motor nito na kinilala sa alyas “Ed”, 37-anyos, residente ng Camachile Subdivision ng masabing lugar at papauwi na sana habang kasunod nito ang suspek na sakay din ng motor na Yamaha Mio na kulay itim at may plate number 757 UZO.
Nang makakuha ng tiyempo, binaril nito ng malapitan sa ulo ang biktima bago humarurot patakas.
Sa pagsisiyasat ng pulisya sa lugar ng insidente, may narekober silang isang selyadong plastic sachet na naglalaman ng shabu sa may 2-metro mula sa motorsiklo ng biktima.
- Latest





















