^

Probinsiya

Barilan sa Cavite: 1 todas, 2 sugatan!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Barilan sa Cavite: 1 todas, 2 sugatan!
Batay sa paunang ulat, hinabol ng mga ope­ratiba ng Bacoor Police ang isang suspek na sakay ng puting­ Toyota Innova sa hindi pa mali­naw na dahilan ng isinagawang hot pursuit ope­ration na nagresulta sa pagkabangga ng ilang sasakyan sa Bacoor.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang suspek habang dalawang sibilyan ang.sugatan sa insidente ng pamamaril at nang-hit-and-run ng mga sasakyan na nagsimula sa Bacoor at nagtapos sa Marulas Exit sa Kawit kahapon ng hapon.

Batay sa paunang ulat, hinabol ng mga ope­ratiba ng Bacoor Police ang isang suspek na sakay ng puting­ Toyota Innova sa hindi pa mali­naw na dahilan ng isinagawang hot pursuit ope­ration na nagresulta sa pagkabangga ng ilang sasakyan sa Bacoor.

Nagdire-diretso ang suspek sa Zeus Intersection bago nagtungo sa Marulas Exit, kung saan nabangga nito ang
dalawang residente na taga Barangay Kaingen, Kawit, Cavite at isa mula sa Barangay Tabon 2.

Pagdating sa Marulas Exit, nagkaputukan na ang suspek at mga humagabol na mga pulis ng Bacoor at Kawit. Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok habang patuloy ang habulan hanggang sa magresulta sa pagkasawi ng suspek.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang dalawang residente na sinalpok ng suspek.

Inaalam pa ng awtoridad kung may iba pang nasaktan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with