^

Probinsiya

Onsehan sa droga: Mister binistay ng bala, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang pagpatay sa isang 44-anyos na mister matapos bistayin ng bala ng anim na mga armadong kalalakihan sa Brgy. Manghanoy, La Castellana, Negros Occidental noong Lunes, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Negros Occidental Provincial Police Office (PPO), kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Rehny.

Ang biktima ay sangkot umano sa pagtutulak ng droga at isa ring napapaulat na gunrunner.

Batay sa imbestigasyon, ang biktima at ang pinsan nito ay nagtungo sa kanilang fishpond nang biglang sumulpot ang anim na mga armadong kalalakihan na nanggaling sa may tubuhan sa nasabing lugar.

Nilapitan ng mga ito ang biktima at kinorner may ilang distansiya sa kinaroroonan ng pinsan nito.

Sa puntong ito, biglang binunot ng mga suspect ang kanilang mga armas at pinagbabaril ang biktima na duguang bumulagta sa insidente.

Nagawa namang makatakbo ng pinsan ng biktima sa matinding takot na pagdiskitahan din ito ng mga armadong suspect.

Ang biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero idineklara nang dead-on- arrival sa mga tama ng bala sa katawan.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with