^

Probinsiya

Kagawad na astig sa drug dealers, todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kagawad na astig sa drug dealers, todas sa ambush!
Map of Sultan Kudarat.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Isang barangay councilor na popular sa kanyang lantad na pagsuporta sa police anti-narcotics sa Lambayong sa probinsya ng Sultan Kudarat ang napatay sa ambush nitong hapon ng Linggo.

Sakay ang biktimang si Rolly Omar, kasapi ng barangay council sa Sigayan sa Lambayong, ng kanyang Honda XRM ng pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa kanya sa Purok Masagana sa Barangay Sadsalan sa Lambayong.

Ang napaslang na si Omar ay popular sa Lambayong at sa mga karatig na bayan sa Sultan Kudarat sa kanyang walang takot, lantarang pagiging matigas sa mga dealers ng shabu at marijuana at sa pagtulong sa mga police anti-narcotics operations sa kanilang bayan.

Galing sa isang pagtitipon sa Purok Olidan sa Sadsalan si Omar, pauwi na kanila sa Sigayan, ng paputukan ng mga salarin na mabilis na nakatakas.

Nagtutulungan ang mga imbestigador mula sa Lambayong Municipal Police Station at mga barangay officials sa pagkilala sa mga nag-ambush kay Omar na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay.  

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with