Drug den nabisto, 3 katao nasakote
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tatlong kalalakihan ang nasakote ng mga otoridad matapos mabisto ang kanilang drug den sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Bonfal West sa bayan na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nadakip na mga suspek na sina alyas “Amboy”, 31, residente ng Barangay Bangar sa kalapit na bayan ng Solano; alyas “Buboy”, 30; at alyas “Canoy”, 28, kapwa residente naman ng Barangay Bonfal West sa nasabing bayan.
Nakumpiska sa lugar ang 15 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 7 gramo at tinatayang nagkakahalaga sa P47,600.00 buy-bust money at drug paraphernalias.
Nasa kustodiya na ng PNP Bayombong ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest















