^

Probinsiya

Magkakaibigan hinoldap ng tandem, 2 tinodas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Magkakaibigan hinoldap ng tandem, 2 tinodas!
Stock image of a gun.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem na nangholdap sa isang grupo ng mga magkakaibigan sa Tabuk City, Kalinga nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ng Tabuk City Police ang nasawing mga biktima na sina Davyn Basangal Balinte at isang alyas David.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Purok 6, Brgy. Bulanao ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad ang dalawang biktima kasama ang kanilang mga kaibigan sa bahagi ng Hilltop Village sa naturang barangay nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo. 

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril ay biglang hinarang ng mga suspect ang grupo saka bumaba ang dalawang armadong lalaki sa motorsiklo.

Mabilis na tinutukan ng baril ng mga suspek ang magkakaibigan sabay deklara ng holdap. Mabilis na kinuha ng mga holdaper ang tatlong cellphone at P4,000 cash mula sa mga kaibigan ng mga biktima.

Gayunman, nairita umano ang mga holdaper matapos na walang makuhang cellphone, pera at kahit alahas sa dalawang biktima kung kaya itinulak sila at sabay sabing “walang pakinabang”.

Kasunod nito, pinagbabaril ng mga suspect ang dalawang biktima na napuruhan sa ulo at dibdib, saka sila humarurot patakas.

Mabilis namang isinugod ang dalawang biktima sa pagamutan ng kanilang mga kaibigan pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with