^

Probinsiya

2 parak todas sa barilan sa police station!

Artemio Dumlao, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 parak todas sa barilan sa police station!
Map of Abra with Bangued highlighted
Wikipedia photo

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang isang police lieutenant matapos ang madugong barilan sa mismong himpilan ng Provincial Explosives Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU) ng Abra Police sa Casamata Hill, Zone 5, Bangued, Abra nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Staff Sergeant O’Neal Ryan Calica at ang hepe nitong si P/Lt. Jamieson Bulatao, officer-in-charge ng PECU.

Sa ulat ng Abra Police, nangyari ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi sa tanggapan mismo ng PECU.

Ayon sa imbestigasyon, kadarating lang ni Staff Sgt. Calica sa kanilang tanggapan at habang nagsisipilyo ng ngipin nang biglang lumabas ng kuwarto ang superior nitong si Lt. Bulatao at nag-load ng bala sa kaniyang baril saka siya biglang pinaputukan ng apat na beses sa kaliwang dibdib.

Matapos na duguang bumagsak si Staff Sgt. Calica ay sinunod namang iniumang ni Lt. Bulatao ang kaniyang baril sa isa pang pulis na si P/Senior Master Sergeant Edwin Bandoc at pinaputukan pero sumablay ito.

Dahil dito, gumanti na ng putok si SMS Bandoc at nasapol ng bala sa dibdib si Lt. Bulatao.

Sina Staff Sgt. Calica at Lt. Bulatao ay parehong isinugod sa Seares Memorial Hospital pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Agad namang ­sumuko si SMS Bandoc sa Abra Police matapos ang insidente at iginiit na self defense lamang ang kaniyang naging aksiyon dahil papatayin din siya ni Lt. Bulatao.

Si Lt. Bulatao, 47-anyos, ay OIC sa PECU ng Abra Police at residente ng Baguio City habang si Staff Sgt. Calica, 30, ay taga-Pidigan, Abra, at si P/SMS Bandoc ay mula sa Bontoc, Mountain Province na nakatalaga rin sa nasabing  unit.

Sa press briefing sa PNP Headquarters sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Randolf Tuaño na lumilitaw sa imbestigasyon na nag-ugat ang barilan matapos na magalit si Lt. Bulatao nang isuplong siya ni Staff Sgt. Calica sa Police Regional Office dahil sa nagre-report umano sa trabaho at nagpapatrolya na lasing ang nasabing opisyal, kung kaya kinastigo ng nakatataas.

Sa galit ni Lt. Bulatao, agad nitong binaril ang tauhan na si Staff Sgt. Calica.

“The motive was that the victimized police staff sergeant supposedly reported his official to the regional police. He complained that, when the police lieutenant is on patrol or responding to a police call, he is under the influence of alcohol,” paliwanag ni Tuaño.

ABRA

BANGUED

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with