^

Probinsiya

Police investigator sa Cabanatuan, itinumba!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang imbestigador ng pulisya ng hindi pa nakilalang salarin malapit sa isang fast food restaurant sa kahabaan ng Emilio Vergara Highway, Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si P/Corporal Joseph Toribio, miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Cabanatuan City Police at residente ng Sta Rosa, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon, bandang alas-9 ng gabi habang nasa bisinidad ng nasabing lugar ang biktima nang biglang sumulpot ang salarin. Bigla na lamang naglabas ang suspek ng baril at pinagbabaril ang pulis.

Nagresponde naman ang mga kapwa nito pulis at naabutang nakasubsob ang mukha sa kalsada ng duguang biktima na dead-on-the-spot sa insidente.

DEU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with