Katutubong Grade 3 pupil, tepok sa kidlat

COTABATO CITY, Philippines — Isang batang babae mula sa pamilyang etnikong Blaan ang agad na namatay ng tamaan ng kidlat sa Barangay Upper Suyan sa Malapatan, Sarangani nitong Huwebes.
Kinumpirma kahapon ng mga kawani ng Malapatan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng mga officials ng Sarangani Provincial Police Office ang pagkasawi sa insidente ng Grade 3 pupil na kinilalang si Mariafel Mendi na ang pamilya ay nakatira sa isang liblib na pook ng Barangay Upper Suayan sa naturang bayan.
Umaambon noon at nasa labas ng kanilang bakuran ang 9-anyos na bata nang biglang tamaan ng malakas na kidlat, ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador mula sa Malapatan Municipal Police Station na nagresponde sa insidente.
Agad na nalagutan ng hininga ang biktima sanhi ng tama ng kidlat na ang dagundong ay narinig sa halos buong barangay, ayon sa mga Blaan tribal leaders at mga barangay officials sa Upper Suayan.
Nagpaabot na ng inisyal na tulong ang local government unit ng Malapatan sa pamilya ng nasawing bata at maging sa pagpapalibing dito.
- Latest





















