Babaeng vendor sangkot sa drug trade, itinumba

CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang dalagang vendor na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade kamakalawa ng gabi sa Sitio Berhinan, Barangay Manggalang 1, Sariaya, Quezon.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si alyas “Salie”, 48, at residente sa naturang lugar.
Base sa tinanggap na ulat ni QPPO Director PCol. Romulo Albacea, nagbibisikleta patungo sa kanyang bahay dakong alas-7:45 ng gabi ang biktima nang paulanan ng punglo ng hindi nakikilalang salarin.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung may kaugnayan ang krimen sa ulat ng mga barangay officials na sangkot ang biktima sa pagtutulak ng iligal na droga.
- Latest





















