^

Probinsiya

Barangay chairman todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman todas sa ambush!
Sa ulat ng mga local executives at Lambayong Municipal Police, sakay ng kanyang puting Toyota D4D van si Esmael Palaguyan Sambilan, chairman ng Barangay Lagao sa Lambayong, nang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong lalaking sakay ng mga motorsiklo na mabilis na nakatakas.
STAR/ File

COTABATO CITY , Philippines - Patay sa mga tama ng bala ang isang barangay chairman matapos tambangan ng armadong grupo sa highway sa Purok Inanama sa Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat nitong Sabado Ng hapon.

Sa ulat ng mga local executives at Lambayong Municipal Police, sakay ng kanyang puting Toyota D4D van si Esmael Palaguyan Sambilan, chairman ng Barangay Lagao sa Lambayong, nang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong lalaking sakay ng mga motorsiklo na mabilis na nakatakas.

Agad na nailabas ng mga emergency res­ponders si Sambilan sa kanyang van, may plakang AEC 2311, at isinugod sa pagamutan ngunit namatay rin kalaunan dahil sa mase­lang mga tama ng bala na kanyang tinamo sa ambush.

Ayon sa mga officials ng Sultan Kudarat Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12, kilala ang napaslang na si Sambilan sa kanyang masigasig na suporta sa operations ng kanilang mga anti-narcotics unit sa Barangay Lagao.

Ayon sa kanyang mga kamag-anak at mga senior officials ng PRO-12, lantarang sumasama si Sambilan sa mga police narcotics entrapment operations at sa mga paghahain ng mga warrants of arrest sa mga wanted sa mga criminal cases na nagtatago sa Lambayong.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with