^

Probinsiya

Drug dealer utas sa shootout, P1.7 milyong shabu nasamsam

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Drug dealer utas sa shootout, P1.7 milyong shabu nasamsam
Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng local government officials at ng mga kasapi ng multi-sector Datu Odin Sinsuat Municipal Peace and Order Council, naglabas ng mga pistol ang 25-anyos na si Saidamin Saban Esmail at kanyang dalawang kasama at binaril ang mga pulis na kanilang ka-transaksyon kaya nagpalitan ng putok na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Isang hinihinalang drug dealer na ayaw magpaaresto ang napatay ng mga pulis na kanyang nabentahan ng abot sa P1.7 million na halaga ng shabu sa isang buy- bust operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Sabado.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng local government officials at ng mga kasapi ng multi-sector Datu Odin Sinsuat Municipal Peace and Order Council, naglabas ng mga pistol ang 25-anyos na si Saidamin Saban Esmail at kanyang dalawang kasama at binaril ang mga pulis na kanilang ka-transaksyon kaya nagpalitan ng putok na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-naikasa ang naturang operasyon ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Lt. Col. Esmael Madin, sa tulong ng mga local executive ng naturang bayan.

Akmang dadakmain na sana ng mga tauhan ni Madin ang mga suspect sa kanilang isinagawang entrapment operation hindi kalayuan sa campus ng isang state university sa sentro ng Datu Odin Sinsuat ngunit bumunot sila ng mga baril kaya nagkaengkwentro.

Nakatakas ang dalawang kasama ni Esmail, na pansamantalang nakilala lang na sina Mursid at Kadir, na target din sana ng naturang buy-bust, at ngayo’y parehong pinaghahanap na ng mga barangay officials at ng mga tropa ng Datu Odin Sinsuat police force.

DATU ODIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with