Rider dedo sa salpok ng nag-overtake na SUV
MANILA, Philippines — Patay ang rider at sugatan naman ang kanyang angkas nang masalpok ng nag-overtake na SUV ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Mangaldan, Pangasinan.
Sa ulat ng Pangasinan Police, ang aksidente ay nag-ugat nang mag-overtake ang SUV sa isang jeep kaya nito nasalpok ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima.
Sa CCTV footage, mapanonood na tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos silang mabangga ng SUV.
Dead-on-arrival sa pagamutan ang rider habang ginagamot na ang angkas nito.
Sa aksidente, nadamay naman ang nakaparadang motorsiklo at pickup na nasa gilid ng kalsada.
Nasa kamay na ng pulisya ang suspek na nag-negatibo naman sa alcohol breath test.
- Latest



















