^

Probinsiya

Shabu dealer utas sa shootout, 1 pa nasakote

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang hinihinalang drug dealer matapos na mauwi sa engkuwentro ang ikinasang buy-bust operation ng mga anti-narcotics operatives, habang isa pa nitong kasabwat ang naaresto sa Koronadal City, South Cotabato nitong Miyerkules.

Sa ulat, kinilala ng mga awtoridad ang napaslang na si Joemar Casuacillo habang ang naaresto ay si Demver Dela Cruz.

Ayon sa mga miyembro ng multi-sector South Cotabato Provincial Peace and Order Council nitong Biyernes, napilitang makipagpalitan ng putok ang mga ahente Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 kay Casuacillo nang mauna siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang poseur buyer nang makatunog na mga PDEA agents ang kanilang ka-transaksyon at nabentahan ng nasa P102,000 na halaga ng shabu sa Barangay Mabini,  Koronadal City.

Sinabi ng Koronadal City officials na si Casuacillo, isang large-scale shabu at marijuana peddler, ay agad nasawi sa shootout dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Ayon naman sa mga barangay officials sa Mabini na tumulong upang maisagawa ang operasyon na nadakip din ang kasama ni Casuacillo na si Dela Cruz kasunod ng barilan.

Bukod sa 15 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P102,000, nasamsam din ng mga PDEA-12 agents ang .45 caliber pistol, at fragmentation grenade sa loob ng sling bag ng napatay na suspek.

Sinabi ni Benjamin Recites III, director of PDEA-12, na sasampahan nila ng kaso si Dela Cruz na kasalukuyang nakapiit dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with