2 mister hinataw ng pala, pinagsasaksak: 1 patay
CAVITE, Philippines — Patay ang isang Mister habang sugatan ang kasama nito makaraang pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng basag na bote kamakalawa ng gabi sa Brgy. Punta, Calamba City, Laguna.
Sa ulat ng Calamba Police, alas-8:10 ng gabi ng maganap ang krimen, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima at pababa sila nang komprontahin ng dalawa sa apat na suspek.
Nauwi umano sa pagtatalo ang pag-uusap hanggang sa hatawin ng pala ng dalawang suspek na sina alyas “Brener” at “Eljer” ang mga biktima.
Habang ang dalawa pang suspek na sina alyas “John” at “Christopher” ay tumulong sa pambubogbog sa dalawang biktima. Dumampot pa sila ng bote at binasag ito saka isinaksak sa mga biktima.
Unang nasaksak ang biktimang si alyas “Jed” na nasalag nito kung kaya sa kaliwang kamay nito tumama at nasugatan.
Pinagtulungan din ng mga suspek ang biktimang si Ariel na paghahatawin ng pala at saksakin ng mga basag na bote.
Inawat ito ng mga barangay tanod at ilang residente na ikinaaresto agad ng mga suspek habang nadala naman sa pagamutan ang dalawang biktima subalit hindi na nailigtas pa ang biktimang si Ariel sanhi ng dami ng tinamo nitong mga saksak mula sa mga basag na bote.
- Latest




















