^

Probinsiya

2 pulis-Laguna na rumesponde sa pamamaril, pinarangalan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Pinarangalan kahapon ang dalawang pulis kaugnay sa kanilang pagresponde sa naganap na pamamaril na ikinasawi ng tatlong katao kabilang na ang nag-amok na drug dependent sa Santa Rosa City, Laguna noong Linggo ng umaga.

Sina Lt. Col. Benson Pimentel, Sta. Rosa police chief, at Corporal Brly Verniz, mobile patroller, ay tumanggap ng Medalya ng Kagalingan (PNP Merit Medal) para sa kanilang katapangan at matagumpay na pag­responde sa insidente ng pamamaril sa Barangay Labas noong Linggo ng umaga sa ginanap na Monday flag raising cere­mony sa Camp Vicente Lim police headquarters.

Ang parangal ay nag-ugat sa pagpatay sa isang drug dependent na nakipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa pangunguna ni Lt. Col. Pimental matapos barilin ng una at mapatay ang matagal na niyang karibal noong Linggo bandang alas-8:30 ng umaga na ikinadamay pa ng kanyang kamag-anak.

Kinilala ni Pimental ang mga nasawi na sina Nestor De Paglinawan, 60, na umaasa sa drug rehabilitation, driver ng barangay na si Victor Galvan, 65, at kamag-anak ni Paglinawan na si Dexter Paglinawan, 50, pawang residente ng Olympia Subdivision, Barangay Labas, Santa Rosa City.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakatayo ang biktimang si Victor nang dumating ang suspek na si Nestor na armado ng kalibre .38 na baril at pinagbabaril. Sinubukan namang makialam ng isa pang biktima na si Dexter ngunit binaril din siya at namatay agad.

Tumakbo si Victor ngunit hinabol ng suspek at muling binaril. Dinala siya sa ospital kung saan idineklara siyang patay dahil sa mga tama ng bala. Pinaputukan ni Nestor ang mga rumes­pondeng awtoridad kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at nasugatan si Nestor na dinala sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Sinabi ng pulisya na matagal na sama ng loob ang motibo ng pagpatay.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with