^

Probinsiya

60-anyos nag-amok: Pamangkin, kapitbahay tinodas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Suspek bulagta rin sa mga pulis

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang patay kabilang ang isang 60-anyos na ama na nag-amok makaraang sabihang adik ng kapitbahay at ipadadala sa rehabilitation center na nauwi sa walang habas na pamamaril sa isang subdibisyon sa Brgy. Labas, Santa Rosa City, Laguna nitong Linggo ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni P/Lt. Col. Benson Pimentel, hepe ng Sta. Rosa City Police, nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa Olympia Subdivision sa Brgy. Labas ng nasabing lungsod.

Kabilang sa mga na-sawi ay isang 50-anyos na pamangkin ng suspect; isang 65-anyos na kapitbahay at ang 60-anyos na suspect na tumangging sumuko at nakipagbarilan sa mga operatiba.

Bago ito, galit na galit umano ang suspect dahil sinabihan siya ng 65-anyos na kapitbahay na ipapakuha siya sa mga awtoridad upang ibalik sa rehabilitasyon dahil sa pagiging drug addict.

Nagalit naman ang suspect kaya binitbit ang baril para barilin ang kaaway na kapitbahay. Gayunman, tinangka siyang pinigilan ng 50-anyos na pamangkin kaya binaril niya ito sa ulo saka hinabol ang kapitbahay at binaril din nito.

Ayon kay Pimentel, nagresponde ang kaniyang mga tauhan sa lugar matapos makatanggap ng ulat sa pamamaril ng suspect at dito’y dinatnan na nilang nakabulagta ang dalawang biktima at ang suspect na armado ng cal. 38 na baril na patuloy umano sa pag-aamok at pamamaril na ayaw ring sumuko.

Tinangka pa ng mga operatiba na pasu­kuin ang suspek pero sinalubong sila ng pagpapaputok ng suspek kaya napilitan nilang gumanti ng putok hanggang sa masapol ang matanda na duguang bumulagta.

Sa pahayag ng anak na babae ng suspect, nagalit umano ang ama sa kanilang kapitbahay na nagbunsod ng krimen dahil sinabihang ipadadala sa rehabilitasyon gayong magaling na umano ang matanda sa paggamit ng droga.

LAGUNA

SANTA ROSA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with