^

Probinsiya

2 bahay inararo ng van: 3 patay, 2 sugatan!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 bahay inararo ng van: 3 patay, 2 sugatan!
W a s a k n a wasak ang van na may sakay na lima katao m a t a p o s n a araruhin nito ang dalawang bahay sa gilid ng kalsada na ikinasawi ng tatlo sa Baran- gay Abuyon, San Narciso, Quezon nitong Sabado.
Tony Sandoval

CAMP NAKAR, LUCENA City, Philippines —Tatlo ang kumpirmadong patay habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang araruhin ng isang van ang dalawang bahay sa gilid ng highway sa Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon noong Sabado ng hapon.

Batay sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station kay ­Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, bandang alas-4:30 ng hapon habang minamaneho ni alyas “Efren”, 45-anyos, tricycle driver mula Santa Lucia, Santa Ana, Pampanga, ang isang Hyundai Starex van kasama ang apat na pasahero nang mawalan siya ng kontrol sa mani­bela at tuluy-tuloy na bumangga sa magkatabing bahay sa gilid ng kalsada ng Sitio Pantay sa Barangay Abuyon.

Mabilis na naisugod sa Quezon Provincial Hospital Network sa San Narciso ng mga responders ang mga biktima ngunit idinekla­rang dead-on-arrival ang mga biktima na kinilala lang sa mga pangalang  Flo­rencio, 62; Merelyn, 57; kapwa residente ng nasabing barangay, at ang mismong drayber na si Efren dahil sa mga grabeng pinsalang tinamo sa kanilang mga ulo at katawan.

Samantala, ang mga sugatan na sina alyas “Joey”, 46, ng Batangas, at “Mary Jane”, 48, ng Pampanga ay ginagamot ngayon sa nasabing ospital.

Dahil sa pagragasa ng van, nasira ang mga bahay na pag-aari nina Charlie Abadilla Rivano, 49, at Dionisio Boc Cabalan, 38, ng nasabing barangay.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with