^

Probinsiya

Safehouse ni-raid: Wanted utas sa shootout, 1 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang wanted sa batas habang sugatan ang kasamahan nito sa nauwi sa shootout na pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa Brgy. Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Buto Butingkol na nasawi habang isinusugod sa pagamutan matapos na masugatan sa pakikipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City ang sugatang kasamahan na si Dave Pasandalan Midtimbang.

Sa report ni P/Lt. Col, Esmail Madin, hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (MPS), bandang alas-10 ng gabi nang mangyari ang insidente habang isinisilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 27 sa kasong murder laban sa mga suspect sa kanilang safehouse sa nasabing lugar.

Gayunman sa halip na sumuko ay sinalubong ng suspek ng pagpapaputok ang mga operatiba na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok ay nasapul si Butingkol at nasugatan din ang kaniyang kasamahan na mabilis na isinugod ng mga awtoridad sa pagamutan pero nabigo ng maisalba ang una.

Samantala, nagawa namang tumakas ng tatlo pa sa mga kasamahan ng mga ito na sina Raizak Rajak, Musanip Butingkol at Pepe Butingkol na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with