^

Probinsiya

3 magpipinsan tepok sa tumaob na trike!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 magpipinsan tepok sa tumaob na trike!
Map of Pangasinan with Anda highlighted
Wikimedia

MANILA, Philippines — Tatlong magpipinsan ang nasawi makaraang aksidenteng tumaob ang kanilang sinasakyang tricycle sa kahabaan ng highway ng Brgy. Mal-ong, Anda, Pangasinan nitong Lunes ng gabi.

Hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawi, isa ang nasa edad na 31 habang dala­wa ang 24-anyos.

Sa ulat ng Pangasinan Police, nangyari ang insidente sa provincial road ng Brgy. Mal-ong ng bayang ito. Kasalukuyang bumabagtas ang tricycle na sinasakyan ng magpi-pinsan na umano’y galing sa inuman nang iwasan nila ang panambak ng lupa na nakaharang sa gilid ng nasabing kalsada.

Dahil dito ay nasakop ng tricycle ang kabilang linya at eksakto namang paparating ang isang humahagibis na motorsiklo kaya nagsalpukan ang mga ito.

Nabatid na madilim sa lugar dahil sa brownout kaya nagkabulagaan ang tricycle at motorsiklo.

Sa lakas ng salpukan, tumalsik ang mga biktima na napuruhan sa kanilang mga ulo na siya nilang ikinamatay habang sugatan ang driver ng nakabanggaan nilang motorsiklo na nabalian ng buto sa kaniyang binti at kailangang lagyan ng bakal.

PANGASINAN

ANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with