^

Probinsiya

Mister pinatay, isinako, itinapon sa basurahan!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Mister pinatay, isinako, itinapon sa basurahan!
Antipolo City Map.
Wikimedia

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay na nang matagpuan sa loob ng sako ng bag ang isang lalaki sa basu­rahan ng inuupahang bahay sa Barangay Bagong Na­yon, Antipolo City, Rizal, ayon sa isang opisyal ng pulisya kahapon.

Nadiskubre ang naaagnas na katawan ng hindi pa nakikila-lang bangkay ang lalaki kasunod ng malakas na masamang amoy na kumalat mula sa lugar sa Sitio Lower Manalite 1, nitong Biyernes dakong 4:14 ng hapon.

Ayon kay Lt. Col Jaime Pederio Jr., hepe ng Antipolo City Police Station, halos isang linggo nang pinaslang ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang biktima na itinali at inilagay sa loob ng sako bago itinapon sa basurahan.

Ang insidente ay ini-ulat ng babaeng saksi na humingi ng tulong sa mga tanod ng barangay at mga awtoridad ng pulisya.

Ang biktima ay positibong kinilala sa alyas Benedick o “Benok”, 30, ng kanyang kapatid na si Brix Batac, batay sa mga tattoo ng biktima sa katawan at may tattoo ng mukha ng babae sa kanang braso na sinasabing anak ng may-ari ng inuupahang bahay.

Nadiskubre rin ang mga drug paraphernalia sa loob ng mga silid sa lugar ng krimen.

Tatlong katao kabilang ang isang mag-asawa na iniulat na nagbakante ng kanilang inuupahang bahay, may isang linggo ang nakalipas at isa pang alyas “Ogro” ay kinokonsi­derang mga persons of interest.

JAIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with